Mainit na tinanggap ng Kataastaasang Hukuman ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang tuluyang maisabatas ang Republic Act No. 1223 o ang Judiciary Fiscal Autonomy Act.
Layon kasi anila na mapagtibay ang nakasaad sa konstitusyon na magarantiya ang awtonomiya ng Hudikatura sa ilalim ng Article VIII, Section 3 ng Saligang Batas.
Kung saan magbibigay daan ito upang maseguro na ang ‘budget’ o pananalapi ng Judiciary ay hindi mababawasan kumpara sa nakaraan taong alokasyon.
Ngunit sa kabila ng naturang probisyon nabanggit, ang pangangailan sa budget ng Hudikatura ay minsa’y hindi naisasakatupara dahil umano sa tinatawag na ‘budget process’.
Kaya’t sa nilagdaang ‘Judiciary Fiscal Autonomy Act’, mapahihintulutan nito ang Korte Suprema na maisumite ang orihinal na ‘budget proposal’ direkta na sa Kongreso kalakip sa National Expenditure Program ng Department of Budget Management.
Dagdag pa rito, nagpapakita rin anila ang nilagdaang Judiciary Fiscal Autonomy Act ng makabuluhang pagsuporta sa nagpapatuloy na modernisasyon ng Supreme Court.