-- Advertisements --

Hinimok ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na manatiling maalam at matatag sa pagsuporta sa lehitimong claims ng ating bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kaniyang pagbisita sa Cagayan de Oro, iginiit ni PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela na ang kasalukuyang polisiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa WPS ay maaaring magtangal nang lagpas sa kaniyang termino kung mananatiling well-informed at steadfast ang publiko sa paninindigan sa soberaniya ng ating bansa sa WPS.

Aniya, ang ating laban sa WPS ay hindi limitado sa ating henerasyon kundi ito ay isang intergenerational endeavor.

Para matiyak aniya na magpapatuloy ang kritikal na laban na ito sa hinaharap na henerasyon, mahalaga aniya na maunawaan ang pangunahing mga dahilan kung bakit kailangang depensahan kung ano ang ating pagaari.

Ang pagbisita ni Comm. Tarriela sa naturang lungsod ay parte ng mas malawak pang inisyatiba ng gobyerno para palakasin ang kamalayan at pang-unawa ng publiko sa legal at makasaysayang claims ng Pilipinas sa WPS.