-- Advertisements --

dar1

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order No. 4 na nagbibigay ng moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon at interes sa lupang sakahan na kaniyang pangako sa unang state of the nation address (SONA).

Ayon kay Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na mahigit kalahating milyong agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang inaasahang makikinabang sa nasabing programa.

Inihayag naman ng Pangulong Marcos na panahon na para suklian ang mga magsasaka na lubos na naaapektuhan sa krisis na kinakaharap ng bansa.

“The moratorium will give the farmers the ability to channel their resources into developing their farms, maximizing their capacity to produce and propelling the growth of the economy,” pahayag pa ng Pangulo.

Samantala, alinsunod sa programang pang-agraryo ni Pangulong Marcos Jr., ganap nang may-ari ng lupa ang 68 na magsasaka mula sa Negros Occidental matapos silang gawaran ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng certificates of landownership award (CLOAs).

Layon nito na matulungan ang mga magsasaka sa bansa.

Nasa 13.39 ektarya ng lupang pang-agrikultura mula sa bayan ng Enrique B. Magalona ang iginawad sa 36 agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Nasa pitong ektarya naman mula sa bayan ng Manapla para sa 15 ARBs, at 17 ektarya mula sa lungsod ng Silay ang napunta sa 17 ARBs