-- Advertisements --

Sinuspendi ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong hapon ng Lunes, Hulyo 21 dahil pa rin sa mabibigat na pag-ulan dulot ng habagat.

Kabilang sa mga nagkansela ng klase ang San Juan City sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa Paranaque City, Pasay City, Caloocan City, Marikina City at Manila City mula kaninang alas-12 ng tanghali.

Wala ding face to face clasess sa lahat ng antas sa public at private sa Taguig City habang sa Makati City naman kinansela ang klase mula daycare hanggang Senior High School (SHS) sa public at private.

Sa Muntinlupa City naman kinansela na ang f2f classes sa public at private kabilang na sa Alternative Learning System (ALS) at Early Childhood Education.

Suspendido naman na ang klase mula kaninang alas-10 ng umaga sa Las Piñas City sa lahat ng antas sa public at private at sa bayan ng Pateros mula preschool hanggang SHS.

Habang maaga namang nagkansela ng klase mula kaninang alas-8 ng umaga ang Pasig City mula kinder, SHS, Early Childghood Care Development at sa ALS.