-- Advertisements --

Mariing kinondena ng dating mambabatas at dating tagapagsalita ni vice president Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez si Senate President Chiz Escudero kaugnay umano sa pag manipula sa 2025 national budget sa pamamagitan ng ng 142.7 billion budget insertions.

Nabatid sa nasabing pondo, mga political allies ni Escudero ang makikinabang at para i-secure ang Senate leadership.

Sinabi ni Atty. Gutierrez, bukod sa pagbaluktot sa Saligang Batas, pati national budget binaluktot din para makinabang ang mga ka-tropa nito.

Ang P142.7 billion insertions, karamihan dito ay idinaan sa infrastructure at flood control projects.

Nabatid ang mga probinsiya na suportado si Escudero at ang kaniyang political allies ang makakatanggap sa nasabing pondo partikular ang Bulacan at Sorgoson na siyang may pinaka mataas na share.

Ayon kay Gutierrez, ang nasabing hakbang ay hindi lang simpleng paglalagay ng pondo kundi malinaw na indikasyon ng paggamit ng kaban ng bayan bilang personal na sandata sa politika.

“Una, ginamit ang posisyon para harangin ang impeachment. Tapos ngayon, ginagamit ang budget para suyuin ang mga kaalyado sa Senado. Parang sinuhulan mo na, sinagasaan mo pa ang proseso para protektahan ang isang opisyal na dapat iniimbestigahan (First he used his position to block the impeachment. Now he is using the budget to woo his allies in the Senate. It’s like you did not only bribe but also trampled on the process to protect an official who should be investigated),” pahayag ni Gutierrez.

Binatikos din ni Gutierrez kung paano nagkaroon ng matinding pagbawas sa alokasyon ng badyet para sa mga serbisyong panlipunan at mga programang pang-ekonomiya, na umabot sa 33.4% at 29.2% ayon sa pagkakasunod-sunod, upang makagawa ng espasyo para sa mga proyekto sa imprastruktura ni Escudero.

“Ang Senado ay hindi playground ng mga ambisyoso. Dapat itong maging tagapagtanggol ng Konstitusyon at interes ng taongbayan, hindi ng kapangyarihan ng iilan (The Senate is not a playground of the ambitious. It should be a defender of the Constitution and the interest of the public, and not the power of the few),” wika ni Gutierrez.