-- Advertisements --

Hindi maitago ni The Voice USA champion Sofronio Vazquez III ang kasabikan matapos mapiling kakanta ng Lupang Hinirang sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Hulyo 28.

Sinabi nito na isang karangalan na maituturing ang pagkapili sa kaniya na kumanta ng national anthem sa SONA.

Mula ng unang ipaalam sa kaniya ay agad niyang tinanggap dahil isang malaking karangalan aniya na magtanghal sa harap ng tao at sa milyong tao sa bansa.

Dagdag pa nito na ang Lupang Hinirang ay siyang magbubuklod sa mga Pinoy anuman ang kanilang mga pagkakaibang pinaniniwalaan.