-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga national government agencies na pag-aralan ang operationalization ng full devolution initiatives at magsagawa ng mga listahan ng mga functions ng Local government units.

Ayon sa Presidential Communication Office (PCO) batay sa naging pulong sa Malacañang nuong nakaraang Linggo, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan na ma-define at matukoy ang priority core functions at serbisyo kailangang ma devolved sa mga LGUs.

Inutusan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG), sa pakikipagtulungan ng Union of Local Authority of the Philippines, na gumawa ng listahan ng mga pangunahing tungkulin at serbisyo na dapat gawin ng mga LGU batay sa kanilang Devolution Transition Plans at ng pambansang pamahalaan.

Ang DILG ay binibigyan ng hanggang Enero 2024 upang isumite sa Pangulo ang listahan sa Enero 2024, o isang buwan na mas maaga kaysa sa ulat ng pagsusuri ng NEDA.

Inatasan din ng Pangulo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng sensitivity analysis sa kung papaano makakuha ng investment ang gobyerno.

Nais naman ng Pangulong Marcos na maisumite ng NEDA ang kumpletong pag-aaral sa Office of the President sa katapusan ng February 2024.