-- Advertisements --
Pasok na sa PBA 50th Season Philippine Cup Semifinals ang Barangay Ginebra matapos talunin nila ang Converge 99-98.
Naging susi sa panalo ng Ginebra ang ginawang buzzer-beater three points ni Stephen Holt sa overtime game na ginanap sa Araneta Coliseum.
Itinuturing naman ni Ginebra coach Tim Cone na isang milagro ang nasabing panalo nila.
Nabuhay ang tsansa ng Ginebra ng maipasok ni Jeremiah Gray ang tatalong free throws sa natitirang 3.4 segundo ng laro noong ito ay ma-foul ni Alec Stockton ng tangkain ang three point shots.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si RJ Abarrientos na nagtala ng 20 points habang mayroong 13 points si Scottie Thompson.














