-- Advertisements --
Kahit na hindi makakapaglaro sa Gilas Pilipinas si Kai Sotto sa 2nd window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers ay susporta pa rin ito.
Kinailangan pa kasi ng Pinoy 7 foot 3 ng ilang linggong pahinga bago makapaglaro.
Dahil dito ay magbabalik na ito sa paglalaro sa Japan Basketball League sa susunod na buwan.
Hinintay kasi siya ng kaniyang koponan sa Japan na Koshigaya Alphas ng mahigit isang taon mula ng magtamo ng ACL injury.
Bilang suporta ay tiniyak naman ni Sotto na papanoorin niya ang laro ng Gilas.
Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Pebrero 26 habang ang Australia naman sa Marso 1 na ito ay gaganapin sa Pilipinas.















