Isinagawa ng BRP Emilio Jacinto (PS-35) ang maritime patrol sa paligid ng Los Frailes Island, Zambales at matagumpay na na-test fire ang 76mm main gun noong Disyembre 18, ayon sa Ph Navy.
Nakatalaga ang PS-35 sa Northern Luzon Naval Command sa Poro Point, La Union. Ayon sa PN, pinanatili ng barko ang mataas na maritime domain awareness, minomonitor ang galaw ng mga sasakyang pandagat, at nagsasagawa ng presence operations sa mga delikadong lugar sa West Philippine Sea.
Sinabi rin ng PN na ang test firing ay para tiyakin ang operability at kasanayan sa paggamit ng armas.
Samantala, sa Western Naval Command sa Palawan, isinagawa ang welcoming ceremony para sa outgoing security personnel mula sa Lawak at Patag Islands, bilang pagtatapos ng matagumpay na rotation at resupply mission. (report by Bombo Jai)
















