-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Macau Tennis Masters.

Hindi ito nakaporma kay Mirra Andreeva ng Russia sa score na 6-4, 6-2.

Ang laban niya na ito kay world number 9 ay siyang huling torneo ni Eala ngayong 2025.

Dalawang beses sanag maghaharap sina Eala at Andreeva isa sa doubles subalit nag-withdraw siya dahil sa dinapuan ito ng sakit.

Dahil dito ay nakaharap nina Eala at partner nitong si Jerry Shang ng China subalit nabigo sila kay Alejandro Davidovich Fokina ng Spain at Yibing Wu ng China sa score na 7-5, 7–6(1).

Ang pagkatalo na ito ni Eala ay hindi makakaapekto sa ranking niya dahil sa ang Macau Masters ay isang exhibition game at hindi bahagi ng WTA events.