-- Advertisements --

Nasa P30 milyon kada buwan ang nalugi sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na bukod sa gate receipts, sponsorhip at television commercial ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagbabayad sa mga empleyado nila.

Ang nasabing halaga ay hindi pa kasama ang pagkalugi ng 12 mga PBA teams.

Magugunitang noong Marso ng itinigil ang mga laro sa PBA dahil sa paglala ng coronavirus sa bansa.

Umaasa naman si Marcial na mapayagan na silang makabalik sa paglalaro sa buwan ng Hulyo.