-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong ang Philippine Basketball Association (PBA) ngayong linggo para maisapinal kung matutuloy ba ang mga laro.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na kasama nila sa pagpupulong ang mga manlalaro ganun din ang mga board of governors.

Magsisimula ang pagpupulong sa Miyerkules at ito ay susundan sa Huwebes.

Ilan sa mga nakatakdang pag-usapan ay ang gagawing bubble games ng PBA at ang pagpapatuloy na ng 45th season ng All-Filipino Cup.

Kukuha aniya ito ng mga impormasyon at suhestiyon mula sa manlalaro.