-- Advertisements --

Tuluyan ng sinibak ng MAHARLIKA Pilipinas Basketball League ang Masskara Warriors ng Bacolod.

Kasunod ito sa umanoy game-fixing sa laro nila kontra sa Bulacan nito Martes, Hulyo 28 dahil sa walang naitalang score ang Bacolod sa nagdaang walong minuto at anim na turnovers.

Bukod pa dito ay ilang manlalaro at coaches ng Masskara Warriors ay pinatawan na rin ng permanent bans.

Nais ng MAHARLIKA na mapanatili ang integridad at kredibilidad ng laro.

Pangalawang koponan na ang Bacolod na tuluyang masibak ng MPBL na ang una ay ang Iloilo United Royals dahil sa hinihinalang potential game-manipulation at ibang mga paglabag.