-- Advertisements --

Bumagsak ang world ranking ng Gilas Pilipinas matapos ang third window ng Basketball World Cup Qualifiers noong Hulyo.

Ayon sa FIBA Men Ranking ay nasa pang-39 na puwesto na ang Gilas Pilipinas.

Mula sa dating pang-36 ay bumagsak sila ng tatlong puwesto.

Ang nasabing ranking ay inilabas matapos ang double overtime na pagkatalo ng Gilas sa New Zealand 106-102 at Australia 92-49 noong nakaraang mga linggo.

Nasa pang-pitong puwesto naman ang Gilas Pilipinas sa Asian zone kung saan pinapangunahan ito ng Australia.

Hindi lamang ang Gilas Pilipinas ang nakaranas ng pagbagsak ng puwesto dahil ang Australia na nasa pangpito sa buong mundo ay nasa pang-walo na habang ang Kuwait na mula sa dating nasa pang-109 ay nasa pang 118 na puwesto at ang South Africa na mula sa dating pang-110 ay nasa pang 119 na puwesto.

Inaasahan ang pagbabago ng ranking ng Gilas Pilipinas sa paghaharap nila laban sa Jordan sa Agosto 28 at ang Iran sa Agosto 30.