-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang Bagyong Dolphin, na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngunit malapit sa hilagang bahagi ng bansa.

Namataan ito sa layong 825 kilometro hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 150 km/h malapit sa sentro at pagbugso na umaabot sa 185 km/h, habang kumikilos west-southwestward sa bilis na 15 km/h.

Bagama’t nasa labas ng PAR, inaasahang magpapatuloy ang epekto ng bagyo sa pamamagitan ng pagpalakas sa Habagat, na nagdadala ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Samantala, bukod sa Bagyong Dolphin, may isa pang tropical cyclone na kasalukuyang nasa layong 3,055 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 km/h at pagbugso na 55 km/h, habang kumikilos eastward sa bilis na 50 km/h.

Bagama’t malayo pa sa teritoryo ng Pilipinas, patuloy itong binabantayan ng state weather bureau dahil maaari rin itong makaapekto sa lagay ng panahon sa mga susunod na araw.