-- Advertisements --
Hindi na makakasama sina Dwight Ramos at AJ Edu sa Gilas Pilipinas Pilipinas para sa Asian Games sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mayroong tatapusin silang mga laro sa B.League sa Japan.
Maghaharap din ang koponan nina Edu at Ramos sa gaganaping Japanese tournament sa buwan ng Setyembre.
Sinabi naman ni Erika Dy ang executive director ng SBPna sa darating na Setyembre 9 at 10 ay gaganapin ang paghaharap ng koponan nina Dy at Ramos.
Dagdag pa nito na normal lamang sa ibang mga koponan na hindi makakapaglaro ang ilang manlalaro.
Tiniyak din nito na makakapaglaro sa Gilas Pilipinas si Justin Brownlee base na rin sa kagustuhan ni head coach Tim Cone.















