-- Advertisements --
Muling pumirma ng isang taong kontrata sa Golden State Warriors si Draymond Green.
Ayon sa koponan na sumang-ayon si Green sa kontrata na nagkakahalaga ng $27.7 milyon.
Ang nasabing kontrata ay napirmahan na sana noon ni Green bago ang usapan na kukunin sana ng Warriors si LeBron James.
Ito ang pang-15 season ni Green sa Warriors at kapag nakapaglaro ito sa 51 games ay makakasama na niya si Stephen Curry bilang natatanging manlalaro sa franchise history na lalabas ng 1,000 contest.
Tanging sina Green, Curry at coach Steve Kerr ang natitirang indibidwal sa Warriors noong nakuha nila ang apat na kampeonato.
Huling nagkampeon ang Warriors ay noong 2022.
















