Ipinagpaliban ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng kanilang 45th season dahil sa banta pa rin ng novel coronavirus.

Sa kanilang Facebook page,gagawin na lamang ito sa Marso 8 imbes na sa dating Marso 1.

Maging ang PBA D-League na magsisimula sana sa Pebrero 13 ay gagawin na lamang ito sa Marso 2.

Sinabi nila na inaalala muna nila ang kaligtasan ng kanilang mga fans, manlalaro, koponan at mga opisyal kaya minabuti nilang ipagpaliban ito.