-- Advertisements --

Binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na gobyerno, para bantayan ang kanilang mga tauhan sa isyu ng pagbebenta ng bakuna o maging ng vaccination slots.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, seryosong usapin dito, lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin sapat ang dumarating na bakuna para sa karamihang mga kababayan natin.

Sinabi ni Malaya na patung-patong na kaso ang isasampa sa mga dawit sa bentahan.

Kabilang sa mga paglabag ay pagnanakaw, paggamit ng government property at pananabotahe sa programa ng pamahalaan.

Ang LGU officials namang masasangkot dito ay kakasuhan agad sa Office of the Ombudsman.