-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan sa Los Angeles ang US rapper na si Soulja Boy dahil umano sa pagdadala ng armas.
Ayon sa Los Angeles Police District (LAPD) naaresto ang rapper na si DeAndre Cortez Way sa tunay na buhay sa Melrose ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon, pinara nila ang sasakyan ng rapper sa isang checkpoint dakong 2:30 ng umaga at nakita sa sasakyan ang isang uri ng baril.
Dahil dito ay agad na inaresto ng mga otoridad ang 35-anyos na rapper.
Pinasikat ng rapper ang kantang “Crank That” noong 2007.