-- Advertisements --

Arestado ang rapper na si D4vd dahil sa umanoy pagpatay sa isang dalagita na unang napaulat na nawawala pa noong nakaraang taon.

Si David Anthony Burke sa tunay na buhay ay siyang suspek sa pagpatay sa biktimang si Celeste Rivas Hernandez.

Natagpuan kasi ang bangkay ng biktima sa kotse nito noong nakaraang buwan ng Setyembre.

Nakita ang bangkay ng 14-anyos na babae na nakasilid sa isang bag na nasa harap ng sasakyan na ng rapper.

Naagnas ng natagpuan ang bangkay ng biktima na hinihinalang matagal na itong pinatay.