-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang rapper at DJ na si Afrika Bambaataa sa edad na 67.

Sinabi ng kaniyang kaanak na dahil sa kumplikasyon sa cancer ang naging sanhi ng pagpanaw nito sa kaniyang bahay sa Pennsylvania.

Isinilang siya sa Bronx kung saan nakasama siya sa mga lokal na gang na “Black Spades” kung saan umangat siya sa puwesto at naging “warlord” siya.

Nagsimula siya noong 1970 bilang sa pag-host ng parties kung saan umuusbong na ang hip-hop music.

Unang naglabas siya ng kanta noogn 1980 na may titulong “Zulu Nation Throwdown” habang ang kanta nitong “Planet Rock” noong 1982 ay umangat sa pang-apat na puwesto sa US R&B chart.

Kasama rin ito sa album na “Sun City” na kinabibilangan ng ilang mga sikat na rapper gaya nina Joey Ramone, Ru DMC, U2 at iba pa.