-- Advertisements --

Dinepensahan ni House Deputy Minority Leader at ML party-list Rep. Leila de Lima ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps program at sinabing ang mga benepisyaryo nito ay hindi mga freeloaders o hindi nananamantala.

Ginawa ni De Lima ang reaksyong ito kasunod ng naging suhestyon ni Senator Erwin Tulfo na alisin na ang naturang programa at sa halip ay palitan na lamang ito ng livelihood assistance.

Ang 4Ps program ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa kapalit ng ilang mga kondisyon.

Kabilang na rito ang pagpapanatili sa kanilang mga anak sa mga paaralan, pagdalo sa mga development sessions at iba pa.
.
Binigyang diin ng mambabatas na hindi pa lamunin ang mga benepisyaryo ng 4Ps at nilinaw na hindi limos ang programa.

Aminado naman si De Lima na hindi perpekto ang programa ngunit hindi solusyon ang tuluyang pagpapatigil nito.

Batay sa datos, aabot na sa higit 1.5 million households ang naka graduate na sa kahirapan batay sa 4Ps framework.