Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na umatras na bilang testigo ang kaibigan ng nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, nagkaroon ng pangamba at takot ang testigo para sa kaniyang buhay kaya naman napagdesisyunan ng kaibigan ni Camilon na umatras na lmang bilang testigo sa kaso ng kaibigan.
Sa kabila nito ay tiniyak naman ng PNP ang kanilang kapasidad at kakayanan para mabigyang proteksyon ang kaibigan ng biktima kung ito ay hihingin din mula sa kanilang hanay.
Samantala, nakikita naman bilang isang mahalagang papel ang gingampanan ng testigo sa kaso bilang siya ang huling nakausap ng biktima at ang malalim na ugnyan at relasyon sa pagitan ni Camilon at ng main suspect sa kaso na si PMajor. Allan de Castro.