-- Advertisements --
May hakbang na ngayon ang Department of Tourism (DOT) para mapalakas ang tourist arrivals sa bansa.
Sinabi ni tourism Secretary Christina Frasco, na target nila na akitin ang India para sila ay bumisita sa bansa.
Ang nasabing hakbang ay bilang pamalit sa Chinese tourist na bumaba ang bilang matapos ang mahigpit na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).
Ilan sa mga maaaring ialok nila sa India ay ang visa-free policy para ma-enganyo ang mga ito na bumisita sa bansa.
Gumagawa na rin aniya ang hakbang ang kaniyang opisina para makapanghikayat ng mas maraming mga turista sa bansa.