-- Advertisements --

Kinumpirma ni Honeylet Avanceña ang common law -wife ni dating pangulong Rodrigo Duterte na sinuspendi ang pagbisita nito sa International Criminal Court detention facility.

Kuwento nito na noong huling bumisita ito at limang minuto bago matapos ay sinabihan na siya na isususpendi daw siya sa pagbisita.

Sinabihan pa daw umano ng dating pangulo ang bantay doon na hindi nila ito maaring gawin ito dahil inaasahan siya nito.

Dagdag pa nito na ang dahilan umano ng pagkakasuspendi niya ay noong Hulyo 19 ng tinawagan siya ng dating pangulo nagkomento umano ito ukol sa kaso.

Dahil dito ay sinisi niya si ang abogado ng dating pangulo na si Atty. Nicholas Kaufman kung inakusahan umano nito na humihingi siya opinyon mula sa ibang abogado.