-- Advertisements --
Department of Justice

Nagsampa na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) ng kasong kriminal laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Pinangunahan ni NBI Western Mindanao Regional Director Moises Tamayo ang paghahain ng apat na counts ng kasong murder at planting of evidence laban sa mga sumusunod:

  • PSMS Abdelzhimar H Padjiri 
  • Police Master Sergeant Hanie U. Baddiri
  • P/Staff Sergeant Iskandar I. Susulan
  • PSSg Ernisar P. Sappal
  • P/Corporal Sulki M. Andaki
  • Patrolman Mohammad Nur E. Pasani
  • PSSg Almudzrin M. Hadjaruddin 
  • Patrolman Alkajal J. Mandangan
  • Patrolman Rajiv G. Putalan

Inirekomenda rin ng NBI ang pagsasampa ng reklamong neglect of duty laban kina:

  • Sulu provincial police chief P/Colonel Michael Bawayan
  • Jolo police chief P/Major Walter Annayo
  • Sulu Provincial Drugs Enforcement Unit chief P/Captain Ariel Corcino

Ayon sa legal division ng NBI, base sa mga nakalap nilang mga ebidensiya, malinaw na ang siyam na police officers ang nakapatay sa apat na sundalo. 

“The 9 police officers simultaneously attacked the victims who were not given the opportunity to defend themselves. While some of the police officers did not fire their issued firearms, CCTV footages and eyewitnesses’ accounts clearly demonstrate that they executed overt acts that constitute as moral assistance to the police officers who actually fired [at] the victims,” ayon sa legal division ng NBI.

Kabilang sa mga namatay sa insidente sina Major Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco at Corporal Abdal Asula.

Noong June 29, tinutugis umano ng militar ang dalawang suicide bombers nang maganap ang insidente.

Sa ngayon, bubusisiin na ng DOJ prosecutors ang mga isinampang reklamo para madetermina kung kailangang sampahan ng kaso ang mga pulis sa korte.