-- Advertisements --
Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang kasalukuyang administrasyon na tila ginagawang panakip butas lamang ang panunupil sa kaniyang pamilya para pagtakpan ang mga anomalyang nagaganap sa gobyerno.
Sinabi ng bise presidente na hindi maikakaila na ginigipit ang kaniyagn pamilya para matakpan ang mga pagtaas ng bilihin sa bansa.
Alam aniya ng publiko ang mga sistema at modus na ginagawa ngayon ng administrasyon na pinag-iinitan ang mga bumabatikos sa kanilang administrasyon.
Magugunitang inakusahan ng bise presidente ang administrasyon na sila ang nasa likod sa pagpapaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.