-- Advertisements --
Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa batikos o kritisismo basta’t itoy may kaagapay na mga ebidensiya.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer USec. Claire Castro kasunod ng mga nalilipanang pekeng balita na target siraan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ang kaniyang administrasyon.
Sinabi ni Castro maaaring bumatikos o punahin ang pamahalaan.
Ipinunto din ng Palace Official na hindi hahadlangan ng Malakanyang ang anumang kritisismo pero tiyakin lamang na may sapat na basehan ito.
Sa ngayon kasi mga pekeng balita ang kumakalat sa social media kaya panawagan ng Palasyo sa publiko maging mapagmatyag at mapanuri.
Huwag agad maniwala sa mga sinasabi at nakikita sa social media dahil talamak ngayon ang mga fake news peddlers.