-- Advertisements --

Mas lumakas pa ang bagyong Tino habang tinatahak ang West Philippine Sea.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 225 kilometers ng Northeast ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.

May taglay ito na hangin ng hanggang 150 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 185 kph.

Nakataas ang signal number 2 sa Kalayaan Island habang signal number 1 naman ang natitirang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian Islands.

Maaring tuluyan ng makalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa umaga ng Huwebes Nobyembre 6.

Patuloy na pinag-iingat ng PAG-ASA na makakaranas pa rin ang ilang lugar ng malakas na hangin na may kasaman ulan.