Pinatutsadahan ng Palasyo ng Malakanyang ang Duterte Youth Partylist na magsulong ng maraming batas para sa kapakanan ng taumbayan ng sa gayon makita ang kanilang ambag sa lipunan.
Reaksiyon ito ng Palasyo matapos tinangka ni dating National Youth Commission USec. Ronald Cardema at dating Rep. Marie Cardema na maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon sa House of Representative.
Si Duterte Youth Partylist Rep. Trixie Cardema ang nag endorso sa nasabing complaint.
Hindi naman natanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang nasabing reklamo.
Inihayag ni USec. Castro na karapatan nila na magsampa ng complaint subalit naniniwala ito na ang kanilang alegasyon laban sa Pangulo ay walang basehan.
Binigyang-diin ni Castro ginagawa ng Pangulo at ng administrasyon ang kanilang trabaho sa pagganap ng kanilang katungkulan at ang batas ang pinapairal.
Pagtiyak ni Castro na hindi tatalikuran ng Pilipinas ang commitment nito sa Interpol para sa mga indibidwal na inaakusahan ng crimes against humanity.
Ang reklamo laban kay Pangulong Marcos ay dahil sa paglabag sa Accountability of Public Officers at paglabag sa Rules of Procedure in the Impeachment Process sa ilalim ng 19th Congress.