-- Advertisements --

Inaashaan ng Hong Kong authorities na tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa malawakang sunog sa housing complex.

Ito ay matapos na mayroong kumpirmadong 83 katao na ang nasawing at ilang daan pa ang hinahanap.

Isang lalaki naman ang nailigtas ng mga bumbero sa 16th floor mula sa isa sa mga towers ng Wang Fuk Court complex.

Tinatayang nasa mahigit 4,000 katao ang naninirahan sa public housing sa Tai Po City.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng sunog na itinuturing nilang isa sa mga pinakamatinding sunog sa kasaysayan ng Hong Kong.