-- Advertisements --
Hindi babalewalahin ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang Guam para sa pagsisimula ng FIBA Basketball Asian Qualifiers.
Tiniyak nito na ang kaniyang coaching staff ay pamilyar sa laro ng Guam.
Dagdag pa niya na kaniyang pinanood ang laro ng Guam noong FIBA Asia Cup 2025 kaya nakabisado niya ang ilang mga galawan nila.
Ilan sa mga manlalaro na kanilang babantayan ay si Jericho Cruz, na kabilang na rin naglaro noon sa Gilas Pilipinas at naging PBA Philippine Cup Finals Most Valuable Player sa koponan ng Beermen.
Gaganapin ang laban ng Gilas laban sa Guam sa Calvo Fieldhouse sa Guam dakong alas-5 ng hapon ngayon Nobyembre 28 oras sa Pilipinas.
















