-- Advertisements --
Nanawagan ang grupo ng mga negosyante sa bansa ng mandatory lifestyle checks sa mga opisyal ng gobyerno.
Ayon sa grupo, sa nasabing paraan ay makikita kung naayon ang kanilang pamumuhay sa mga idineklara nilang yaman.
Hindi rin sapat ang desisyon ng Ombudsman na maaring makita ng publiko ang mga statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng public officials ay hindi ito sapat para sa tinatawag nilang transparency.
Umaasa sila na kapag napatunayan sa lifestyle check na mayroong anomalya ay dapat imbestigahan ito ng mga kinauukulan.
















