Tiniyak ng Malakanyang na gagamitin nang tama ang kita na makukuha mula sa auction ng 7 luxury vehicles ng mga Discaya.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, na makaaasa ang taongbayan na lahat ng proceeds na tinatayang P110 milyong piso mula sa pitong mamahaling sasakyang ito na malalagay sa forfeiture fund ng bureau of customs ay iri remitt sa Bureau of Treasury.
Hindi naman masabi ni CAstro kung anong partikular na programa o proyekto ng gobyerno gagamitin ang proceeds.
Sinabi ni Castro, simula pa lamang ito sa mga hakbang ng pamahalaan para maibalik ang pera ng bayan mula sa mga nakinabang sa flood control projects.
Ayon kay Castro, ang auction ay patunay ng seryosong paghahabol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr laban sa mga korap na indibidwal, kumpanya at mga opsiyal ng pamahalaan na nagsabwatan sa mga iligal na gawain.
Pagpapakita rin aniya ito na walang puwang sa pamahalaan ang mga iligal na gawain at uusigin ang sinumang lalabag sa batas.
















