-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na wala pang iniutos na internal investigation kasunod ng pagkakasibak ng ilang mataas na opisyal, kabilang dito sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at imbestigasyon sa ilang undersecretaries na umano’y sangkot sa “conspiracy to commit plunder.”

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, ang Independent Commission for INfrastructure ang nangunguna sa pagbusisi sa mga isyu kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control at infrastructure projects, upang matiyak ang isang independent at impartial na proseso.

Binawi rin ni Castro ang haka-hakang lahat ng opisyal ay iniimbestigahan, at iginiit na ang mino-monitor ng Pangulo ay ang performance review ng gabinete, na bahagi ng regular na proseso.

Binigyang-diin ni Castro na kahit pinayagan ang resignation ng ilang opisyal, hindi ito nangangahulugang makalulusot sila sa pananagutan. 

Ayon kay Castro, ang pag-usig at imbestigasyon ay nakasalalay na sa ICI, Ombudsman, at DOJ, at walang sinuman opisyal man o pribadong indibidwal ang exempted sa accountability.