Dalawang Pilipino ang kabilang ngayon sa listahan ng mga “papabile” o posibleng maging susunod na Santo Papa sa nalalapit na conclave sa Mayo 7.
Bukod kay Cardinal Luis Antonio Tagle, isa pang itinuturing na kandidato ay si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David, na tinawag na “dark horse” sa halalan.
Ayon kay Father Shay Cullen, isang kilalang human rights advocate, si David ay may integridad at matapang na lumaban sa mga pagpatay noong administrasyong Duterte, kaya’t isang positibong hakbang ang kanyang paghalal bilang Santo Papa.
Isinasaalang-alang din siya sa mga pagpupulong ng mga cardinal, at maaaring maging “compromise candidate” kung walang malinaw na nagwagi sa unang mga botohan.
Si David, na obispo ng Kalookan at kasalukuyang president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ay inilarawan bilang mas matapang at hindi mahiyain kumpara sa ibang cardinal, kaya’t nakikita siya bilang isang malakas na tagapagsulong ng simbahan.