-- Advertisements --

Nakatakdang matapos na ang Senate Blue Ribbon committee investigation sa flood control para magbigay daan sa mga kaso na isinampa sa Korte.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na maglalabas ang kaniyang komite ng repor at magrerekomenda ng kaso.

Maaapektuhan kasi ang kasong isinampa sa korte kung sakaling ipagpapatuloy pa rin nila ng imbestigasyon sa Senado.

Ikinasiya ng Senador na pangunahan ang komite dahil nakatulong sa Department of Justice (DOJ) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) para imbestigahan ang mga umanoy kickbacks mula sa mga substandard at ghost projects.