-- Advertisements --
Nanawagan si Cardinal Pablo Virgilio David ng isang National Day of Prayer and Public Repentance ngayong Oktubre 7, 2025, kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary.
Ayon sa kanya, ito ay panawagan para sa pambansang pagsisisi sa gitna ng mga kalamidad at krisis na kinakaharap ng bansa.
Inilunsad ng CBCP ang panalangin na “A National Cry for Mercy and Renewal” bilang tugon sa mga isyung panlipunan at moral.
Hinimok niya ang mga parokya, paaralan, at pamilya na makiisa sa sama-samang panalangin tuwing Linggo hanggang Nobyembre 23.
Layunin ng panawagan na pagkaisahin ang sambayanan sa paghingi ng awa at paggabay ng Diyos sa gitna ng pagsubok.