-- Advertisements --

Tinaasan ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) ng pulang sibuyas.

Ayon sa kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na simula Disyembre 11 ay magiging P150 kada kilo na ang presyo ng pulang sibuyas.

Dagdag pa ng Kalihim na may ilang mga negosyante ang nagsabing ang mga pulang sibuyas ay mula sa mga lokal na magsasaka para maipagtanggol ang mataas na presyo ng sibuyas kahit na ang mga ito ay imported.

Kumukuha aniya kasi ang Pilipinas ng mga sibuyas sa bansang China at India tuwing off-season.

Paglilinaw niya na mananatili pa rin sa P120 kada kilo ang presyo ng mga yellow at puting onions.

Umaasa ang Kalihim na makikisama ang mga negosyante sa pagpapatupad nila ng MSRP lalo na ngayong Holiday season.