-- Advertisements --

Kinumpirma ng abogado ng negosyanteng si Charlie Atong Ang na si Atty. Gabriel Villareal na nagsumite sila ng ‘motion for reconsideration’.

Ito’y kasunod nang matapos na ang imbestigasyon ng Department of Justice at irekumenda ng prosekusyon tuluyang mapakasuhan si Atong Ang at iba pang respondente.

Sa naunang pahayag ng abogado, sinabi nitong laman ng mosyon ang mga ebidensyang nais mabigyan pansin ng ‘panel of prosecutors’.

Naniniwala kanilang kampo na hindi umano patas at depektibo ang inilabas na resolusyon ng prosekusyon sapagkat nakabatay raw ito sa mga spekulasyon ng whistleblower na si alyas ‘Totoy’ o Julie Dondon Patidongan.

Subalit sa kabila nito, nanindigan ang Department of Justice na hindi makakaapekto sa inilabas na resolusyon ang paghahain ng mosyon ng kampo ni Atong Ang.

Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang mosyon ay di’ pa rin mapipigilan kanilang pagsasampa ng kaso laban sa mga indibidwal sangkot sa kaso.

Sa oras na maiakyat na sa korte, inaasahang kakaharapin ni Atong Ang at iba pang respondente ang mga kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping with serious illegal detention’.