Muling pinanindigan ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap na ‘warrant of arrest’ laban kay Sen. Bato Dela Rosa mula International Criminal Court.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, wala pa silang nakikita na opisyal na kopya ng naturang dokumento.
Ito’y sa kabila ng ihayag ni former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na mayroon na sila umanong natanggap na warrant kontra sa mambabatas.
Kung kaya’t sa naganap na pulong balitaan, kanyang mariing sinabi ang paninindigan ng kagawaran na wala pa rin silang nakikita o natatanggap na kopya ng sinasabing dokumento.
Dadaan pa muna raw ito sa Department of Foreign Affairs at Philippine Center on Transnational Crime bago maipaalam sa Department of Justice.
Magugunitang una na ring ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na mayroon ng inisyu ang International Tribunal na arrest warrant laban kay Sen. Dela Rosa kamakailan.
















