-- Advertisements --
Ipinagpaliban ng grupong LABAN-TNVS ang plano nilang tigil pasada matapos na pinayagan sila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng pagpupulong.
Inalmahan kasi ng grupo ang ipinatupad na surge cap ng LTFRB para maiwasan ang pagkansela ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) na magkansela ng kanilang booking.
Sinabi naman ni Jun De Leon ang pangulo ng LABAN TNVS, na kapag ipilit ng LTFRB ang surge cap ay mapipilitan sila na mag-offline na lamang at hindi na tumanggap pa ng booking.
Umaasa ang grupo na magiging mabunga ang isasagawa nilang pulong ng LTFRB.















