—
Dumating muli sa Department of Justice sina former Department of Public Works and Highways District Engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza ngayong araw.
Ilang minuto bago mag-alas dos ng hapon ay magkasabay na bumaba mula sasakyan bantay sarado ng mga awtoridad ang dalawang dating opisyal.
Ito’y kasunod nang ikasa ng kagawaran ngayong Lunes, ika-15 ng Disyembre ang panibagong preliminary investigation ukol sa flood control cases.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ito ay hiwalay pa sa naunang limang kaso kung saan kabilang sa mga respondents sa dalawang flood control cases ay sina former Sen. Bong Revilla at dating mambabatas na si Zaldy Co.
Dagdag pa ng tagapagsalita, ang isinagawang preliminary investigation ay may kaugnayan sa Wawao Builders at Topnotch Construction.
Ang Department of Justice kasi ang siyang itinalaga o dineputized ng Office of the Ombudsman para magsagawa ng preliminary investigation matapos ibalik sa kanila ang mga ito.
















