-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Commission on Elections na bumuo ng 24/7 threat monitoring center upang matiyak ang malinis at tapat na halalan sa Lunes, May 12,2025.

Ito ang kauna-unahang 24/7 Threat Monitoring Center na may real time digital command post.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, layon ng nasabing monitoring center na tukuyin, pigilin at tapusin ang online misinformation and disinformation.

Ito ay pangungunahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT at ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan o ang Task Force KKK.

Ipinunto ni Castro na ang nasabing hakbang ay patunay na mabilis kumilos ang gobyerno at nagkakaisa ang pamahalaan kapag ang katotohanan ang nakataya.