Magsasagawa ng patrol operations sa mga dalampasigan at mga pantalan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kabuuan ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan, mananatiling naka-alerto ang buong hukbo upang tiyaking ligtas ang biyahe ng ating uuwi at hahabol sa mga probinsiya upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy aniyang nakadeploy ang mga coast guard personnel sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ngayong araw ng Pasko hanggang sa Bagong Taon upang subaybayan ang mga bibiyahe, gamit ang mga sasakyang pandagat.
Ayon pa kay Gavan, sapat ang bilang ng mga personnel na nakadeploy upang umalalay sa mga biyahero sa kasagsagan ng holiday.
Hiniling din ni Admiral Gavan ang pakikipagtulungan ng publiko at ang patuloy na pagsuporta sa PCG, at sa mga programa ng naturang opisina.
















