-- Advertisements --

Patay ang tatlong miyembro ng pamilya matapos ang naganap na banggaan ng truck at kotse sa South Luzon Expressway (SLEX) nitong madaling araw ng Martes.

Ang tatlong biktima ay lulan ng kotse kung saan sugatan ang tatlo din nilang kasama kabilang limang taon gulang na bata.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang driver ng truck.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, biglang nag-menor ang takbo ng kotse at hindi na nakapag-menor pa ang truck.

Naniniwala din ang kapulisan na maaaring matulin ang takbo ng trak kaya nangyari ang nasabing aksidente.