-- Advertisements --

Pinapasagot ng Office of the Ombudsman ang ilang mga government officials sa inihaing reklamo ni Senator Imee Marcos na kumkuwestiyon sa pag-aresto at paglipat sa International Criminal Court ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga opisyal ay pinanungunahan ni Justice Secretary Jesus Remulla, Interior Sec. Jonvic Remulla, Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil, PNP Criminal Investigation and Detection Group chief Nicolas Torre III at Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao.

Ayon sa Ombudsman na dapat sa loob ng 10 araw ay maisumite ng mga nasabing opisyal ang kanilang kasagutan.
Sakaling bigo ang mga ito na magsumite ng kanilang kasagutan ay agad na sisimulan nila ang preliminary investigation.

Magugunitang noong Mayo 2 ng isinumite ni Marcos sa Ombudsman ang kopya ng committee report.