Umakyat na sa 724 ang bilang ng mga namatay dahil sa Wuhan coronavirus o kilala rin bilang novel coronavirus (nCoV).

Ang 722 sa mga ito ay mula sa Mainland China, isa ang mula sa Hong Kong at isa naman ang nanggaling sa Pilipinas.

Kabuuang 34,878 na ang mga nakumpirmang may nCoV sa buong mundo simula nang matuklasan ito noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 6,106 o katumbas ng 18 percent ang nananatili sa kritikal na kondisyon.

Habang may 2,083 din namang naka-recover, sa kabila nang naunang pagpositibo sa sakit.